GROUP 6

 PROBLEMA SA BASURA



  Ang kapaligiran ay tumutukoy sa mga bagay na may buhay at walang buhay sa paligid. Ang kapaligiran ay kadalasang tumutulong sa atin upang mas mapadali ang ating pamumuhay. Sa kabilang banda, tayo namang mga tao ang kadalasang sumisira sa mga ito. Sa pagtagal ng panahon, sa pagdami ng mga isyung pangkapaligiran na nangangailangan ng solusyon. Isa sa mga isyung pangkapaligiran ay ang pagdami ng mga basura. Sa artikulong ito ay tatalakayin namin ang isyu sa solid waste, at bibigyan namin kayo ng iba't-ibang kaalaman na makatutulong sa pagresulba sa nasabing isyu.

 

     Ang isyu sa mga basura (solid waste) ay tumutukoy sa mga basura na nanggaling sa iba't ibang sektor katulad na lamang ng paaralan, bahay, departamento, at iba pa. Malaki ang epekto sa atin ng mga basurang ito sapagkat ito ay isa sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng ating mga likas na yaman, na nakaaapekto sa ating pangkalahatang kapaligiran. Isa sa mga epekto nito ay ang pagkamatay ng mga endangered species, pagbaha, pagkalat ng mga sakit, at marami pang iba. Isa itong malaking hamon sa pang araw-araw na pamumuhay ng mga bagay na may buhay sa mundo. Bagamat tao ang dahilan ng mga basura, ay pangkalahatan naman ang epekto nito. Ito ay nagpapatunay lamang na nangangailangan na talaga ng solusyon ang isyung ito. Bilang isang mamamayan, malaking tulong na ang pagtatapon sa tamang tapunan. Ganun din ang pagkukusang paglilinis sa mga basurang pakalat-kalat sa daan. Ang simpleng pagsunod sa mga alituntunin ay may karampatang malaking tulong. Hindi lamang sa pagsasaayos ng mga isyung pangkapaligiran, kundi sa pangkalahatan.


     Samakatuwid, ang isang simpleng pagtatapon ng isang indibidwal ng walang disiplina ay maraming epekto sa ating kapaligiran at kalusugan ng mga mamamayan. Sa atin lamang din naman nagmumula ang mga basurang ito, dapat matuto tayong maging disiplinado. Upang hindi matuluyang maging kontaminado ang ating kapaligiran ay maaari naman tayong gumawa ng paraan para dito. Ang mabilisang solusyon dito ay dapat maging disiplinado ang mga tao sa pagtatapon ng kanilang mga basura. Kahit sa pagsunod na lamang ng mga batas tungkol sa basura, ito ay malaking tulong upang paunti-unti nating mabawasan ang problema natin dito.



 

 


Comments